Sunday, April 25, 2010

nakakainis lang

Nakakairita si Kris Aquino.

GRAAAAABE. :))

Mukhang ewan siya sa The Buzz. Sinasabi pang "hindi pwedeng sabihin ang pangalan ng kandidato", obvious naman kung sino yun. Hindi na lang totally manahimik at tungkol sa showbiz na lang ang idaldal niya.

HAAAYNAKOO. Wala bang provisions sa batas tungkol sa INDIRECT CAMPAIGNING. Yung tipong kahit hindi mo sabihin kung sino, basta nagsabi ka ng tungkol sa pangangampanya eh DAPAT IKULONG NA. >:))

Wala lang.
Nakakainis lang.

so stupid hahaha

ang laking kashungahan ang aking nagawa... 
 
NAGKAMALI AKO NG SPELLING NG HAPPINESS..

ohmaaaaay. nakakahiya. :))

anyways. napalitan ko na siya.

...

pero nakakahiya pa rin talaga...

H-A-P-P-I-N-E-S-S

SNSD feveeer

Katatapos ko lang manood ng MIT 20 sa myx. As usual, number 1 pa rin si Justin Bieber. Kadepress. Hahaha.

Ang mas nakakadepress?? Number 2 lang ang Run Devil Run ng Girls' Generation.
Kainis talagaaaa. Favorite ko pa naman sila. Ang hot nila grabe. Eto mga favorite kong SNSD songs:



Run Devil Run




Oh!



Genie

Saturday, April 24, 2010

new song ulit

now playing:

Vanilla Twilight - Owl City
"The silence isn't so bad.. Till I look at my hands and feel sad.. Cause the spaces between my fingers.. Are right where yours fit perfectly"

kasabay ng bagong kanta ang bagong layout..
congratulations sa akin, marunong na akong gumamit ng ibang layout bukod dun sa mga free. :))

Friday, April 23, 2010

new song sa blog! xD

now playing...

FEARLESS - Taylor Swift
"and i don't know how it gets better than this.. you take my hand and drag me head first, fearless.. and i don't know why but with you i'd dance, in a storm in my best dress, fearless..."

biglaang gala :)

Kaninang umaga, for some unknown reason, maaga ako nagising. Hindi ko talaga alam kung bakit. At siyempre, unang tiningnan ko ay ang cellphone ko...
18 messages received

Kamusta naman yun di ba? Yung iba GM lang, normal na yun tuwing umaga. Mga puyaterong nag-gGM pa ng goodnight kahit umaga na or pwede rin namang mga early birds na kasabay ang pagsikat ng araw sa paggising nila. Pero may kakaiba sa 18 messages na iyon. MARAMI DOON GALING KAY PERSIS. Nakakagulat talaga kasi one, di naman siya madalas mag-gm at pangalawa, hindi naman GM ang kanyang mga mensahe. Ganito kasi yan, may lakad kami dapat bukas. Magkikita kami dapat for lunch. Bukas dapat yun kasi minove dahil sa pre-enlistment nina Persis at Macky sa UP. Ang twist?! Minove na naman ni UP ang kanyang pre-enlistment kaya nagkandaloko-loko ang sched namin. :)) Ang aga-aga atang nagising ni Persis at kanyang nalamang postponed ang pre-enlistment kaya naman nagmamadali niya kaming tinext lahat na ngayon na kami lumabas. Medyo pahirapan ang pagkontak sa iba. Tinawagan na ni Persis si Macky at Jemaima sa landline. Ako naman finlood ko ang mga tao dahil ako'y unli. Mahabang kwento pa kung paano kami nagkausap-usap pero sa huli, NATULOY DIN NAMAN KAMI.

Ang usapan, magkikita kami sa Mcdo UN [ang pinakamemorable na place sa puso ng bawat Mascian]. Mga past 9:30 na ako nakaalis ng bahay. Akala ko malelate na naman ako for the nth time. Lagi naman eh. Paano ba naman sa dulo pa ako ng Metro Manila nakatira?! Wahaha. Pero wag kayo, AKO NAUNA DUMATING. Bago yun ah. First time nga ata eh. Wahahaha. Pero okay lang, di rin naman masyadong matagal bago dumating sina Jemaima, Romar, Persis at Macky. Siyempre, hanggang sa puntong ito sinusubukan pa naming kontakin sina Jomarie at Louella. Buti na lang, katext ko ang kuya ni Louella at nasabihan ko siyang gisingin ang kanyang kapatid. So, okay na yun. Susunod na raw si Ella sa Rob. OKAAAY!! :)) Si Jomarie na lang. Hmph. Hindi sumasagot sa tawag at text, hays makakasunod pa kaya siya? :(

PAGDATING SA ROB... xD
Hanapan ng Shakey's.. Kamusta naman yun? Kung saan-saan pa namin hinanap ang Shakey's. Umabot pa kami hanggang sa pinakatuktok ng Rob yun pala nasa taas lang ng National. Wahahaha. Anyways, order kami. Shet. Parang ang dami. Well, kaya namin yan. Naiserve na yung pagkain ng dumating si Louella so extra order na lang. Alam niyo kinain namin????? Tig-iisang pasta, maliit na pizza, basket of mojos, 2 pitcher ng coke... Alam niyo bill namin?!?!?! P1600+ Wahahaha. Buti na lang may naipambayad kami. Adik. Kaya lang, totally nasimot pera namin ni Macky. At least ako may pamasahae pa, siya ata wala na. =))

Kalagitnaan ng pagkain namin, nagparamdam si JOMARIE!!!! Yeeeeheeeey!! Kakauwi lang daw niya galing sa church nila at susunod siya sa amin. Bongga di ba??! Ang sayaaaa. :))

Nung natapos na kami kumain, eh di siyempre umalis na kami ng Shakeys. Hindi pwedeng walang picture. Akalain nyo, nakapagpicture kami kahit ang dami-daming dumadaang tao. xD
O palag kayo? Hahahaha xD Ang taba ko nga lang. Kainis.

Si Jemaima, binalikan pa yung stall na puro headband at bumili siya. Naisipan niya lang. Haha. Buti pa siya may pera pa xD. Habang sinasamahan naming bumili ng headband si Maima, tiningnan nina Persis at Romar yung schedule ng sine. Manonood kasi sila eh.

Tapos noon, GBOX na ang punta namin...
 At ano pa ba ang gagawin namin sa GBOX kundi siyempre ay magvideoke. Si Jemaima lang ang bumili ng token dahil wala na nga kaming pera. Eh di kantahan na. Hahahaa. Maya-maya nagtext na si Jomarie, nasa Rob na raw siya at papunta na ng GBOX. Dala na siguro ng katamara [at kawalan ng pera], nautusan namin si Jomarie na bumili ng tokens :)). Kantahan to the max na. Hindi ko maalala kung ano yung kinanta namin pero naka-77 kami!! Watdaaa. Adik. Pero siyempre, naka-100 din naman kami. Bleeding Love. =)) Nakakaloko yung ibang mga kanta doon:
Nanghihinayang - wala sa timing yung lyrics
Girlfriend -
ang bagal ng lyrics
Cold Summer Nights -
paulit-ulit yung huli :))
 
At siyempre, kumpleto ba ang videoke kung wala ang song of all song... TOTAL ECLIPSE OF THE HEART. Bongga. Kala namin, makaka-100 na kami dahil todo effort kaming apat dito. Sina Macky at Romar, natutulala lang sa amin. Kaloka. :)) Ang hatol -- 99 LANG!!! =))

Almost 3 na.. Kailangan na umalis nina Persis at Romar, yung papanoorin nila 3pm eh. Ako rin, kailangan ko na umalis. Aww how sad. PERO WAIT, may humahabol pa. Si SAGOO!!!! este Aldwin pala. :)) Grabe, ang aga ni Aldwin. Tapos na ang lahat ng happenings tsaka pa lang siya darating. Ayoos. :)) Pero okay lang, nabigay naman ni Aldwin pasalubong niya eh! Hahah. Thank you Aldwin!! :) Ayun, sila, hihintayin pa nila yung dalawa ako hindi na pwede. :) Pero siyempre, nag-cr pa muna kami. Hindi ata alam ni Aldwin na CR ang pupuntahan namin, muntik na siyang pumasok. Grabe, buti na lang, napigilan siya ni Macky. Watdaaaaa. Eh may isang malaking mirror doon. HALA. Umiral ang pagkavain namin.
 Matapos ang amin vanity session, nagpahatid na lang ako sa LRT kay Macky. Nagrereact pa si Aldwin eh. Nagdadrama baki daw sa kanya ayaw ako magpahatid. Landee. Hahaha. Joke.

AT DOON NAGTATAPOS ANG MASAYA, MAKULIT at NAKAKALOKANG araw namin. :)

Konti lang yang mga pics na yan, mas marami ditoo xD

Wednesday, April 14, 2010

ang sweet talaga ng mga kaibigan ko GRABE

Graaabe. Mahal na mahal talaga ako ng mga kaibigan ko. Hahaha.

 Gusto nila ako mag-unli. Ayie. Pero stand out talaga kahit kelan tong si Nobody (Glenn) eh. Ang sabi ba naman niya sa GM niya...

"Hay naku. Kelan mguunli si nobody? Haha. Wala aqng kaaway. Hahahaha."

Ang SWEET grabe. =)) =))
Don't you agree? xD