March 26, 2010
Ito ang araw ng aming recollection. Friday.
Dahil sa recollection, WALA KAMING PRACTICE. Hooray! :))
As usual, late na naman ako pumasok. Past 7 na ako dumating sa Masci. Nagkita kami ni Milo sa may gate at sabay na pumunta sa quad. Anak ng tinapa. Walang pila Einstein!!! Panic mode kami. Di namin alam kung nasaan sila!! Anyways, nakipila na lang kami sa Faraday hanggang matapos ang flag ceremony. Dumating si Crisa. Sabay kami umakyat. Nararamdaman talaga namin andun sila sa Eco Room. At hindi nga kami nagkamali. Andun nga sila. Parang nasa bahay lang oh. May nagbabaraha, Uno o kaya naman nanonood ng DVD. Grabe. Hahaha.
8AM na. Wala pa yung mga magpaparecollection. Nagspin the bottle na lang kami. Tanungan dito. Tawanan dun. Hahaha. 9AM na dumating sina Bro. Francis tska Bro. Romeo, yung mga magpaparecollection sa amin. Ang cool ni Bro. Francis. Kakatawa siya, daming kalokohan sa buhay. :)) Sabi pa niya, bayolente raw kami. Hindi naman siya nagkamali. Hahaha. Nag-snack break kami. Tapos nung bumalik kami, lokohan portion pa rin. Then, may activity. Road of our life.
Ganito raw kasi. Ang tao ay ganoong klase ng tao dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay. Ayun, drawing kami ng kanya-kanyang daanan ng buhay. May background music pa oha. :)) Tapos nun, lunch na. KADEPRESS WALA NANG PAGKAIN SA CANTEEN. Nagtiyaga ako sa baon ni Cleo at brownies. :))
Ayan na. Tapos na ang lunch. SHARING na. Patay. :)) Una si Krizia. Hindi ko inaasahang may ganung problema pala si Krizia kasi parang lagi lang siyang masaya. Basta yun, sunod si Kirby tapos si Crisa. TAPOS AKO NA. Hahahaa. As expected, umiyak ako. Iyakin ako pagdating sa ganung topics eh. Anyways, natapos ko rin nang matiwasay yung akin. Hoho. Sunod yung iba. Maraming revelations. Marami akong natutunan lalo na tungkol kina Brent, Jemaima, Glea at Abbie. Si Shamie rin nagsalita na sa mga nangyari sa kanya. Pero pinaka-unforgettable si Mr. Class President Glenn. Nahihirapan daw siya kung paano niya pag-iisahin ang PetSoc at ang Alphabetagamma. Aba, lumakad pa nga dun sa gap nung dalawang group. Hahaha adik niya. XD
Dahil kulang na sa oras, hindi na nakapagsharing lahat. Sunod na pinagawa, pinapikit kami. Imagination daw ang kelangan. Kausap namin ang Diyos, may pinapakita siyang photo album. Andun lahat ng mga taong importante. Kaibigan, Mga kapatid (can't relate, wala ako nun!), Nanay at Tatay. HALA!!! Doon na nag-iyakan. :)) Hindi ko actually nakita kung sino yung mga GRABENG umiyak. Basta naririnig ko si Mong, humahagulgol. Pero award winning talaga si Echo. Nung sinabing patay na raw buong pamilya, reaksyon ni Echo, "AYOKO!!!". =)) =)) =)) =)) Basta yun. Iyakan to the max kahit ako. :)) :))
Next, binigay mga letters. BUTI NA LANG WALA AKO kundi lalo lang akong umiyak. Hahaha. Mayroon lang akong isa galing kay Mam Aniban. Nadepress ako hindi dahil sa nilalaman. Nadepress ako kasi isang post-it lang siya at parang scripted pa yung sinabi. :))
Closing activity yung candle at cross. Ibibigay daw sa taong nangangailangan ng dasal at liwanag. :) Doon na nagkahingian ng kapatawaran, nagbigayan ng pasasalamat at dasal at siyempre hindi mawawala ang aming kalokohan. Si Kuya Mark kasi eh. :)) Hindi ko alam kung matatawa ako or ano kasi binigay sa akin ni Lois yung cross. Para daw sa Ateneo ko. HAHAHAHA. =)) Tapos nun, hold hands kami habang nakabilog. May kanta... "Hawak Kamay". Sing-along na. Nung huli, may wave pa. :)) At siyempre, hindi mawawala ang GROUP HUG. Ayiee. At matapos ang matagal na panahon, muli naming nasabing kami ay "ONE UNIT. ONE EINSTEIN"
Wala na yung dibisyong nilakaran ni Glenn habang nagshasharing siya kung gaano siya nahihirapan pag-isahin ang dalawang bahagi ng Einstein. :)
Ayiie. Happy happy na lahat. :)) Makakalimtan ba namin ang aming VANITY? Siyempre hinde. Nagpapicture kami kina Bro. Francis tsaka Bro. Romeo. TALAGANG FOR THE SAKE OF VANITY, NAKASMILE KAMI KAHIT HALOS LAHAT KAMI GALING SA PAG-IYAK. :))
Nakagugutom pala ang iyakan kasi pagkatapos ng recollection, nagkayayaan sa Mcdo at dahil sa recollection at one unit one einstein fever, maraming sumama. Takeout lang naman kami. Sa masci din kami kumain. Dun sa UCB. Hahahaha.
Masasabi kong tong recollection na ito was very much needed. Maraming problema and the such. We needed some place to release everything and ito yun. Ngayon, buo na ulit ang (hindi siya nasira!!!!!) na-DAMAGE naming samahan at narealize namin na kahit ano pa mang pagdaanan namin individually and as a whole, MAHAL NAMIN ANG ISA'T ISA AND WE'RE PROUD TO BE IV-EINSTEIN... Papatayin ko ang Einstein na hindi mag-agree dito. Hahaha.
Ang daming pics ng Before, During and After ng recollection sa multiply ni Crisa. Hahaha. :))
Sana may mag-upload sa FB at i-tag. :)) SANA LANG NAMAN eh. XD
3DAYSnalangkamimagsasamasama
March29-recognition
March30-baccalaureate mass
March31-GRADUATION
ay hindi rin pala.. meron pang...
April5-distribution of cards
April6-GRADBALL (huweee. einstein lang raw marami dun. so excited!!)
March 27, 2010
-->4 days before GRADUATION DAY


