Nakakadepress isiping isang buwan (more or less) na lang ako magtagagal sa Mataas na Paaralang pang-agham ng Maynila o mas kilala bilang MaSci. Lalo pa akong nadepress dahil sa project sa Filipino. Paano ba naman, ipaalala ba naman ang lahat ng moments ng iyong high school life kung kelan malapit na ang graduation?
Naalala ko tuloy ung mga insecurities ko sa buhay Masci ko lalo na nung first year ako, mga pinagdaanan ko nung second year at third year at kung ano ang mga bagay na super mamimiss ko ngayong fourth year.
Sayang nga lang, 5 pages lang dapat yung mismong nilalaman. Hindi ka mahihirapan mag-isip kung ano ang ilalagay. Ang problema mo pa, kung ano ang HINDI mo ilalagay. Hahaha. Initially, dapat 5 pages per chapter (per year level ang chapter) pero napagtanto ni Gng. Gozo na hindi niya iyon mababasa lahat kaya ayun, iniksian niya tuloy. So sad, marami pa naman sana akong ikukwento. Pero, kaya nga may blog di ba? XD
First year...
Naikwento ko lang ata doon ay ang first day ko. Yung mga natitirang araw, pinagkasya ko lang sa iilang paragraph. Well, untold stories doon dito ko na lang isheshare. At least dito, walang limit. :)
Naikwento ko doon ang Doobies na binubuo namin nina Karen, Leira at Pau. Kaming apat, laging maraming trip sa buhay. Laging nasa Mcdo at kumakain ng aming paboritong merienda, float at large fries. :)) Doon lagi nag-aasaran. Sa aking pagkaalala, isa beses lang kaming nag-away. Nahati pa kami noon sa dalawang grupo. Kami ni Karen at sina Leira at Pau. Lunch time noon. Para akong ewan, imbis na si Karen ang tawagin ko, aba naman si Paula ba naman ang tawagin ko? hahahaha. Para akong ewan. XD Anyways, nagkabati-bati rin naman kami agad.
Isa pang uber lakas ng trip na pangyayari sa buhay ko ay yung rankings namin ni Echo sa top ten nung third quarter. Akalain nyo, 0.01 lang ang pagitan namin ni Echo?! Anak ng tokwa oh, top 11 ako!! Hahahahahaha. XD
Okay, may isa pa pala. First year pa lang kami at dahil doon unang beses pa lang kami sasali sa Carol Fest sa Masci. Eh kung di ba naman kami masyadong pasikat, magpraktis ba naman, the day before ng contest?! Haha. Malay ba naman naming malaking tradisyon pala ito ng mga Mascians. Ayun, hindi kami nakapasok. Ohyeah.
Pero ang pinakahindi ko makakalimutan sa Charity? Hala, eh kami ata ang PINAKABADING na section noon eh. Nasa amin ba naman si Ronniel eh. Hahaha. XD
At ayan ang unang taon...
Second year.
Sino ba ang makakalimot sa tinaguriang pinakamasayang taon?
Halos lahat naman naikwento ko na dun sa libro ko except sa lovelife kong bonggang-bongga ang kaguluhan. Ohyess. Hahahaha. Itago nalang natin sila sa mga pangalang Piattos at Rebound. Nays. Sa mga nakakakilala sa tawagan naming ito, manahimik na lang. XD
Well, nagsimula lang naman siya sa crush crush. Binuko si Piattos ng mga kaibigan niya dahil lang sa Truth or Dare (favorite game ng Ruther). Ayown, haha. Wala naman siyang masyadong epekto sa kin. So yun nga. Eto namang si Rebound, may ibang gusto, ang problema niya? Ayaw sa kanya. XP At dumating pa sa point na galit na sa kanya. Aba eh gulat ko naman, pinagkakalat na niyang ako na raw ang crush nya? Ayos. Haha kawindang. XD Anyways, wala pa rin namang epek ito sa akin. Normal lang, laging chat sa ym, text kapag unli. Naging close kami ni Rebound kahit dati namang hindi masyado. So yun, okay ang lahat. One day, isang araw, sinabi na lang niyang isang malaking joketime raw nung sinabi niyang crush na nya ako PERO (sabay kambyo agad eh no? XD) ngayon daw ito'y totoo na. Hahahaha. Okay, nabaliw ako dun. Pero that time kasi, may iba akong gusto kaya sadly, wala pa rin syang epek sakin. Pero ang sabi nila, never say never. Hala, ayon. Nahulog din ako pero nung sinabi ko na, araaay. Tawagin ba akong manhid? Hahahaha. Anesthesia pa to be exact. San ka pa? XD Aakalain nyo bang hinintay ko siya dahil sabi niya ung isa raw talaga ang gusto nya? Hahaha. Kabaliwan nga naman oh. Ohwell, at dun nagsimula ang term na sobrang nauso sa Ruther--MANUNULOT. Ohyess. Hahaha. XD In the end, gusto akong pilitin ni Rebound na magustuhan si Piattos pero wala rin namang nangyari. Nagulo lang ako. Hohoho.
Nung second year nagsimula ang BESTFRIEND-ship (may word bang ganito) namin ni Mc Dranreb Cuartero. Magkaklase kami nung first year (friends na rin naman kami, asaran minsan pero hindi SUPER close) pero naging mas close kami nung second year na lang. Paano ba naman? Lagi siya ang kausap ko sa YM kapag inaaway ako ni Rebound. Hahaha. Siya ang nilalabasan ko ng sama ng loob, para bang personal psychiatrist ko. O sosyal diba? :D
Pero ang pinakaimportanteng nangyari sa akin nung second year? XD
Nakilala ko yung taong bumawas sa kakulangan ko sa pagkatao ko (kung hindi man niya binuo). Siyempre, ang tinutukoy ko ay ang aming minamahal na adbayser, si Sir Rafols. Siya ang tumayong ama ng aming seksyon. Minahal niya kami parang totoo niyang anak. Ohyeah. Isa si sir sa pinakamamimiss ko pag-graduate ko sa Masci. :(
Well, pagod na ako. Hanggang diyan na lang muna. Maya-maya na yung third at fourth year. Get ready for a more controversial (weh, feeler. XD) revelations. Hope you enjoyed!


2 comments:
hindi ko kilala is piattos. XD
hahaha. ung isa ba kilala mo? :D
Post a Comment