Unang araw ng Final Achievement Test kanina. English, Filipino at Values. Hanep ang mga test. Basta, hindi ko maidescribe. Anyways, pumasok na rin pala si Rachel A. Namiss ko siya ng bonggang-bongga. Natatakot mga kaklase ko sa kanya baka raw nakakahawa pa siya so ayun medyo nagtatakutan pa sila. Anyways, hindi naman kami nakaalis kaagad. Nagpaxerox kami ng reviewer sa MAPEH kasi sa ganun lang naman kami mabubuhay. So yun, umalis kami pagkatapos magpaxerox. Punta kami UP. :)
Nag-bus kami. Kaaliw sa bus. Nung sumakay kami, kami lang pasahero. Kanya-kanya kaming upuan nun eh. Mamaw. Puro ads ni Villar yung naririnig namin sa radyo kaya tuwang-tuwa si Glenn. Sharing insights kami sa gusto naming mangyari sa eleksyon. Siyempre, si Glenn solid Villar pero okay lang raw manalo si Gibo wag lang daw talaga si Noynoy. Pareho kami baliktad nga lang. Gibo ako pero okay lang manalo si Villar, wag lang si Noynoy. Okay. Matrapik nun at mainit pa. Basta yun. Nagtext ako sa nanay kong malelate ako ng uwi. Tumawag siya at pinagalitan ako nang malaman niyang pupunta pala ako ng UP Diliman. Hindi naman kasi ako nagpaalam. Ayun, hahaha. Natatawa na lang ako. Pagdating ng Philcoa, nagjeep kami papunta sa loob ng UP.
So nasa jeep kami, pinag-uusapan nila mga kwento ni Bob Ong. Hindi ako makarelate, isa lang nabasa ko. Hindi rin namin alam kung saan kami bababa pero pinababa ba naman kami ni Kuya Driver. Adik. Buti na lang bumaba na kami sa may Palma Hall (share ko lang, dun ako nagtest) kasi lagpas na pala kami. Hahahaha. Nalagpasan na namin yung kalye papunta sa Office of Admissions. So lakad, lakad kami. Kwentuhan doon tawanan dito. Sabi namin, pag kami college na baka mawala kami sa sobrang laki ng UP. Nakarating din at last sa Admissions. Ayun nagsubmit sina Glenn, Kirby at Crisa ng kanilang Transcript of Records tapos kinuha ni Lois yung letter niya. Lakad ulit. May mga nakita kaming kawayan, sabi namin baka magcamouflage si Glenn. Tawa. Dalawang kanto raw. Kala niyo maiksi? Asa. Hindi mo nga makikita kung saan unang kanto eh! Pero siyempre, narating din namin yun. Jeep ulit.
Pagkababa ng jeep, umakyat kami ng bridge para tumawid. Kumain kami sa Jolibee. Ayun, daldalan pa habang kumakain. Pagkakain ang next problem paano raw uuwi. Napagdesisyunang mag-eeMRT raw kami. So nagtanong si Glenn kay Kuya Guard kung paano makakarating sa MRT. Sabi niya, may jeep raw papunta sa MRT sa kabilang side. So in short, aakyat kami ulit ng bridge. Tinatamad na si Kirby sabi ba naman tawirin namin ang Commonwealth?! Okay nababaliw na ata si Kirby. So sakay ulit ng jeep hanggang sa Quezon Avenue station ng MRT. Dun kami sumakay. Kwentuhan. Niloloko namin si Kirby kung nasan na siya. Tinatakot pa naming iiwan namin siya kasi lahat kami marunong umuwi. Hahaha. Pagbaba sa Taft, nagpaxerox si Glenn ng reviewer. So nagkakagulo pa rin kung saan pupunta. Gusto ba naman nilang pumunta sa amin? Sos. Hahaha. Anyways, ayun finally napagdesisyunan rin nilang magsipag-uwian na. Kaya eto. Hahaha. XD
Hinihintay ko pa nanay ko para sa pananabon sa akin. XD Ano kaya sasabihin nun? Wahaha.

0 comments:
Post a Comment