Tuesday, March 2, 2010

masaya....?

Okay, panic agad ang nagsimula ng araw ko. Magising ba naman ako ng 5:30!! Kamusta naman yun di ba? Buti na lang, nakakain pa ako ng agahan at hindi na-late. Well, pano nga ba naman ako malelate eh 90% of the time naman, wala kaming first period.

Anyways, pagdating ko sa LRT naabutan ko si Cza at si Aldwin. Masikip raw kasi yung mga naunang train kaya naghintay sila ng mahabang train. Sa train, kwentuhan lang kami. :))

Pagdating sa Masci, marami na ring tao. :)) As usual, mga taong-Journ na naman nga naiwan kasi may TLE yung boys at HE naman yung ibang girls. Habang walang ginagawa, tinapos ko ung theme paper ko sa Pinoy. Ipapasa kasi kahit walang Filipino. Habang ginagawa ko yung theme, dumaan si Bojour-a-tous, este si Mam Lucena. Sabi niya sabihin daw kay Mr. President (Glenn) na tanungin Einstein at magdecide raw kung kelan kami ng kukuha ng long test sa French. Loka kami. Kala pa naman namin nakaligtas na kami ng tuluyan sa French. Rawr. Anyways, natapos ko rin naman agad ung theme ko kaya naglaro ako ng Hangman sa phone ni Mong. Geography category. Grabe, yung iba doon mga lugar na never heard. Kamusta naman yun di ba?

Tapos MAPEH na. Anak ng tinapa. Magbihis daw ng CAT. Panic mode ako. Buti na lang dala ko complete CAT Uniform ko. Tapos malaman-laman ko, PE pala!?!? Sasayaw kami. Potek. :)) Partner ko si Carlo. Pareho kasi kaming wala kaya yun. Goodluck naman sa amin di ba? Si Carlo unang beses umattend sa PE kaya walang alam sa steps. Ako, hindi ko lang alam yung Chacha kasi excused kami para sa journ nung tinuro yun. Anyways, yun nga. Kamusta naman yun kinokopya lang namin sina Da at Sheela. :))

Huma na. Frequency lang. Kulit namin. Ginugulo si Glenn. Kasi, frequency of correct answers ginagawa namin, tapos subtract. Eh siya nagbibilang nun tapos isusubtract niya, nag-iingay kami para di siya makapg-isip. Masasamang tao. :)) :))

LUNCH na. Pero baliw ata talaga ako. Kahit na sikmura ko gusto na ng pagkain, ayaw ko pang kumain. Wala kasi ako sa mood. Ayos di ba? Siguro kung nagsasalita toh, sasabihin sa akin, "MAAWA KA NAMAN. KUMAIN KA NAAAAAAAAAA!!" Anyways, kumain naman ako. Martys, Tourist at isang bote ng Mountain Dew. :)) :)) :)) Hindi pa tapos lunch, tinawag ako ni Maima. Papraktisin daw namin yung presentation sa Finite. Lady Gaga dapat. Bad Romance kasi tono nung jingle. Dapat talaga si Vanessa yung Lady Gaga eh. Eh ayaw. NAPUNTA SA AKIN. Kamusta naman yun? Practice pa lang parang masisiraan na ako ng bait sa mga pinaggagagawa ko. Adiik.

Finite na. Natetensyon ako dahil sa nalalapit na pagkawala ng dangal ko. Bunutan sila kung sino una. Binilinan ko pa si Glea na ayusin yung bunot niya. Anak ng.... KAMI PA UNA!!! So yun, nauna na nga kami. Natensyon ako. Nangingig ako. Buti na lang, ayos naman ang lahat. Cool lahat ng mga jingle namin. Personal fave ko yung "Smack That" nina CJ. It's so cool. :)

Econ. Nasa labas kami ng room. Wala pa kasi si Mam Jacob. Tinry ko kausapin si Cupcake(Rachel). Ilang araw ko nang napapansing malungkot siya. Nararamdaman kong may problema siya, kaya lang di rin naman niya nasabi. :( Star Awards kasi eh. Naiwan ko tuloy si Rachel.. Anyways, ayun na. Nakakastress yung form ng Star Awards. Maya't maya nagkukulang ako. :)) Dumating din si Mam Jacob. Medyo badtrip ata. Nakasimangot eh (parang lagi naman daw sabi ni Glenn). Pinacheck niya kami ng papers. Yun lang naman.

Math siyempre ang pinakaayaw namin kaya nung wala pa si Mam Diaz pagsapit ng ika-15 minuto ng ala-una, ayown takas na kami. Punta kami sa Physics room. Ayos ng Star Awards tsaka aral sa AdChem. May summative eh. 15 minutes na lang before time nang dumating si Sir Bau. Halatang kadarating lang talaga niya kasi hinihingal pa siya. :)) Dahil nandun na siya, nagpapirma na lahat para sa Star Awards sa Science. Tapos time na. Bumaba na yung iba at as usual huli kami. Nakasalubong namin ni Brent si Sir Derez kaya yung sa KOS, pinapirmahan na namin.

English. Walang katapusang frequency pa rin. Kaantok. May something sa room na nakapag-paantok sa lahat. Napicturan pa si Cleo habang natutulog!! :)) :))

Moment of truth... AdChem. Hahaha. Kawindang yung test. 70% dun hinulaan ko. Kadepress. Sabi ko pa man din, hindi na ako ever babagsak sa AdChem. Mukhang masisira na yun. Hahahaha.

Tapos nun, diretso na kami uwi ni Glea. Sabay kami sa LRT eh. Ayun, bumaba siya sa Buendia at naiwan ako. Nakinig na lang ako sa phone ko as usual.

Overall, okay naman ang araw ko...
May masayang part, meron ding di masyado. Haaaay..

0 comments:

Post a Comment