I take my crime shows really seriously... I really do.
...
Sa sobrang seryoso, minsan yan na ang pangarap ko sa buhay ko... Maging isang CSI o kaya naman ay isang FBI agent...
Yan ang tema ng dalawa sa aking pinakapaboritong crime shows. Ang CSI: NY at Numb3rs.
Kelan lang, nakita ko yung teaser ng AXN for the month of May... At sobra akong natuwa dahil nalaman kong ipalalabas na ang mga pinakahihintay kong latest seasons ng CSI:NY at Numb3rs. Parehong season 6. Pareho pang sa month ng May. ANG SAYA TALAGA. :)
NUMB3RS
Ito ay ang kwento ng isang FBI agent na mayroong mathematician na kapatid. In short, they use math to solve crime. Cool di ba? Most of the time, hindi ko naiintindihan yung math pero galing pa rin. :)) Excited na akong mapanood yung season 6 niya kasi medyo nadisappoint ako sa season 5. SUPER GANDA KASI NG SEASON 4. Kaya ayun, feeling ko hindi masyadong maganda yung season 5. Idagdag mo pa yung fact na umalis yung isa kong fave character at pinalitan siya ng iba (nakakainis yung pumalit sa kanya hahaha). Anyways, nagsearch ako online kung ano ieexpect ko sa season 6. Mukhang promising naman siya, ang problema lang -- it might be the last!! :( :( Hindi pa sure kung irerenew for the 7th season ng Numb3rs. Pero posible na ngang hindi kasi yung lead (yung FBI agent), nagsign para sa bagong palabas. Nakakadepress. Sana hindi matuloy cancellation ng Numb3rs. T.T
CSI: NY
Ito pa yung isang super duper ultra favorite ko -- CSI:NY. Sa sobrang pagkafavorite ko dito, ito ang pangarap kong maging trabaho -- isang crime scene investigator. Wala lang, ang cool kasi eh. Anyways, sobrang ganda ng season 5 niya. Nakaka-sad nga lang yung season finale -- namatay si Jessica Angell, ang love ni Don Flack. Epal kasi eh. Haha. Anyways, ang season premiere niya is the continuation of the season finale [parang katulad lang nung premiere ng season 5, katuloy ng premiere nung season 4]. At alam ko ito kasi napanood ko na actually yung first at second episode sa youtube. XD Excited ako eh, anu magagawa niyo? :)) Anyways, I have really high expectations this coming season and from what I have seen from the first two episodes, feeling ko naman hindi ako madidisappoint. Ang mas masaya pang news, may SEASON 7 pa!! Hooray! xD Kaya excited na ako. SUPER. :)
Kung gusto niyong mapanood ang mga palabas na ito:
May 6 (Thursday) - Numb3rs Season 6 Premiere
May 24 (Monday) - CSI: NY Season 6 Premiere
Sa AXN lang. :)



0 comments:
Post a Comment