Thursday, May 6, 2010

CSI: NY Season 6


WAHAHA. Lalo tuloy akong na-excite panoorin yung Season 6 ng CSI: NY. Amffness. Wahahaha.


Basahin niyo baka sakaling ma-excite din kayo kagaya ko. :)



May 24 [Monday] - 10 PM

nood kayo! xD

Numb3rs Season 6

Nagpremiere na kagabi ang 6th season ng Numb3rs sa AXN...

AND IT WAS SO FREAKING GOOD.. Poteek. Hahaha. It was action-packed at nakaka-excite siyang muli. Wahahaha.. Eto yung factor na namiss ko sa Season 5 eh -- yung action. :D

Ang kwento niya...
May malaking rally sa isang park at inaayos ng FBI ang security ng venue nang pinaputukan sila ng isang lalaki at winarningan sila na huwag nilang pigilan ang planong pagpatay dun sa magsasalita sa rally.

Wala akong masabi. It was so good na talagang hinintay ko ang 2:30 AM para lang panoorin ang replay. Mamaya ulit 2 PM meron. AT SIYEMPRE MANONOOD ULIT AKO. :)

favorite scene ko.. as in super natawa ako dito...
Charlie: Can you keep a secret, Colby?
Colby: I was a Chinese spy and a triple agent for two years and manage to keep it. I think I'm good.

WAHAHAHA. Well, hindi siya masyado nakakatawa unless nasundan niyo. XP

WHY GIBO?

Ilang araw na lang, eleksyon na. Kahit hindi pa ako botante, feeling ko kailangan ko ishare yung thoughts ko tungkol sa mga kandidato. Alam na siguro ng karamihan [at siyempre sa title nito] kung sino ang gusto kong manalo. I've never been this passionate about campaigning for a certain candidate kaya puspusan ang pangangampanya ko for none other than GIBO TEODORO.

Some may ask.. WHY GIBO?
Sa pananaw ko kasi he's the most qualified presidentiable. Aside from his brains, siya lang ang nangampanya without the use of black propaganda against the other candidates. Yun pa lang, isang malaking sign na na hindi siya katulad ng ibang mga pulitiko diyan. Siguro sasabihin ng iba diyan, eh sunod-sunuran yan kay GMA eh. Ang sagot ko? Hindi porket hindi niya binabatikos si GMA, susunod na siya sa kanya. Ayaw lang niyang maki-ride sa mga ibang gustong magpakitang gilas para lang magustuhan ng tao. Sasabihin na naman, eh hindi naman siya mananalo eh. Ang sagot ko? Paano niyo nalamang hindi siya mananalo? Dahil sa mga survey na yan? Hindi sa lahat ng surveys, pang-apat si Gibo. Sasabihin niyo, sayang ang boto pag hindi nanalo si Gibo? Ang masasabi ko lang sa inyo, ang pagboto hindi parang karera ng kabayo. Pipili ka ng lamang para manalo. Pag hindi nanalo yung pinili mo, talo ka. MALING PAG-IISIP YAN. Walang natatalo sa pagboto kasi dun mo pinapakita kung ano ba ang gusto mo para sa Pilipinas.

In the few remaining days before elections, sana pag-isipan ninyong mabuti kung sino iboboto or ikakampanya niyo. :)

Wednesday, April 28, 2010

sige na nga... NEW SONG NA RIN

now playing...

Pyramid - Charice ft. Iyaz
"Pyramid.. We built this on a solid rock.. It feels like it's heaven's touch.. Together at the top, like a pyramid.. And even when the wind is blowing.. We'll never fall.. Just keep on going.. Forever, we will stay, like a pyramid"


hindi na ako nakatiis.
LSS na ako masyado dito para hindi pa siya ilagay sa blog ko. xD


Vote niyo naman siya sa Myx.. Talo pa siya ng SNSD at ni Justin Bieber. Let's support our own!!
MYX[space]VOTE[space]PYRAMID
send to 2366

new layout

new layout...

yeeeay. :)
you like??

I DO. :))
hahaha..

nitatamad magblog

10 days na lang election na...

Ano ngayon kamo?

MAHALAGA YAN NO...

Magbablog sana ako tungkol diyan, kaso nabablanko talaga utak ko. Marami akong gustong sabihin tungkol diyan, di ko lang alam kung saan ko sisimulan o kung paano ko gagawin. Amff.

Sana hindi na magkamali mga Pilipino. Hindi na pwedeng magkamali...

Ayon. Nitatamad talaga ako magblog. Ang dami masyadong thoughts dito sa utak ko, hindi ko alam saan ko sisimulan. Kainis. Waaaaaa. :'(

Ohwell. Baka mamaya kaya ko na.. Or not.. Hay ewan ko. xD

Badtrip pa ako kay Farmville. Ayaw magload. Papansin.

ayowwn. Sana matuloy kami bukas. Punta sa Fontana. Holiday kasi sa Monday, kaya nagyaya tita ko. Gusto ko magpunta dun. Malamig kasi doon. Aircon buong villa. Eh di malameeg. Dalhin ko na lang laptop pati Smartbro o kaya WiFi na lang. HUWEEE. Sana talaga makasama kami. :P

crime shows that i lalalove xD

I take my crime shows really seriously... I really do.

...

Sa sobrang seryoso, minsan yan na ang pangarap ko sa buhay ko... Maging isang CSI o kaya naman ay isang FBI agent...


Yan ang tema ng dalawa sa aking pinakapaboritong crime shows. Ang CSI: NY at Numb3rs.

Kelan lang, nakita ko yung teaser ng AXN for the month of May... At sobra akong natuwa dahil nalaman kong ipalalabas na ang mga pinakahihintay kong latest seasons ng CSI:NY at Numb3rs. Parehong season 6. Pareho pang sa month ng May. ANG SAYA TALAGA. :)

NUMB3RS

Ito ay ang kwento ng isang FBI agent na mayroong mathematician na kapatid. In short, they use math to solve crime. Cool di ba? Most of the time, hindi ko naiintindihan yung math pero galing pa rin. :)) Excited na akong mapanood yung season 6 niya kasi medyo nadisappoint ako sa season 5. SUPER GANDA KASI NG SEASON 4. Kaya ayun, feeling ko hindi masyadong maganda yung season 5. Idagdag mo pa yung fact na umalis yung isa kong fave character at pinalitan siya ng iba (nakakainis yung pumalit sa kanya hahaha). Anyways, nagsearch ako online kung ano ieexpect ko sa season 6. Mukhang promising naman siya, ang problema lang -- it might be the last!! :( :( Hindi pa sure kung irerenew for the 7th season ng Numb3rs. Pero posible na ngang hindi kasi  yung lead (yung FBI agent), nagsign para sa bagong palabas. Nakakadepress. Sana hindi matuloy cancellation ng Numb3rs. T.T

CSI: NY

Ito pa yung isang super duper ultra favorite ko -- CSI:NY. Sa sobrang pagkafavorite ko dito, ito ang pangarap kong maging trabaho -- isang crime scene investigator. Wala lang, ang cool kasi eh. Anyways, sobrang ganda ng season 5 niya. Nakaka-sad nga lang yung season finale -- namatay si Jessica Angell, ang love ni Don Flack. Epal kasi eh. Haha. Anyways, ang season premiere niya is the continuation of the season finale [parang katulad lang nung premiere ng season 5, katuloy ng premiere nung season 4]. At alam ko ito kasi napanood ko na actually yung first at second episode sa youtube. XD Excited  ako eh, anu magagawa niyo? :)) Anyways, I have really high expectations this coming season and from what I have seen from the first two episodes, feeling ko naman hindi ako madidisappoint. Ang mas masaya pang news, may SEASON 7 pa!! Hooray! xD Kaya excited na ako. SUPER. :)

Kung gusto niyong mapanood ang mga palabas na ito:
May 6 (Thursday) - Numb3rs Season 6 Premiere
May 24 (Monday) - CSI: NY Season 6 Premiere
Sa AXN lang. :)