Huweeee. After four long years, finally GRADUATE na ako ng high school. Hahaha. So happy pero parang hindi pa ako sanay tawagin ang sarili kong alumna ng Manila Science High School.
April 02, 2010 na ngayon. It's been two days since natanggap ko yung diploma kong nagsasaad na I "satisfactorily completed the requirements of the special science curriculum". Sarap ng feeling kapag binabasa ko yun. Para bang ang laki na ng achievement ko dahil lang dun sa simpleng papel na yun. Hay.
Hanggang sa ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nung Wednesday na yung huli kong suot ng aking Blue and White uniform. Parang kailan lang, naninibago pa ako dun sa napakalaking collar ng uniform ko. Ngayon, hindi ko na siya muli pang maisusuot. Malungkot mang isipin, kailangan ko na siyang itabi.
Masaya kung tutuusin. Tapos na ang mga gawaing para bang walang hanggan. Nandiyan yung mga linear at quadratic equations at mga limits ng functions na hindi ko naman alam ang gamit sa totoong buhay. Pati yung mga naming ng organic compounds. Pagcalculate ng wave speed at pagbabago ng frequency kapag may Doppler Effect. Paghahanap ng probability na ganitong kulay ng marble ang mabubunot mo at ang madramang kwento ng buhay nina Simoun at Basilio. At iba pang mga lessons na hindi ko pa rin naiintindihan hanggang ngayon. Seryoso ako. Marami pa akong lessons ngayong hindi naiintindihan. Haysus. Well, ganyan naman talaga ang buhay. Masaya naman talaga, makakapagpahinga na ako sa mga ganyang lessons pero ang nakalulungkot lang, mamimiss ko yung mga teachers na pilit pinaiintindi sa amin yang mga nakaka-nosebleed na lessons na yan. :(
Mamimiss ko rin mga kaklase ko. Mga taong kahit minsan binubwisit ako to the maximum level. Kahit ganun pa man, mahal ko yang mga yan. IV-EINSTEIN. Akala ng marami GC kami. Well, partly true pero GC lang naman kami kapag kailangan eh. Kung makikilala lang naman ng ibang tao ang Einstein, makikita nilang hindi lang kami puro aral. Marunong din naman kami magsaya. Kahit pa sobrang magkakaiba ang mga personalidad namin at nagkakaroon ng mga kaguluhan dahil sa mga pagkakaibang yun, wala namang problemang hindi namin naaayos. Ika nga namin... ONE UNIT, ONE EINSTEIN. :)
Sa ngayon, hindi ko pa rin alam kung saan ako papunta. Isang malaking palaisipan pa rin sa akin kung anong mangyayari sa akin sa college. Kahit nga kung saan ako mag-aaral, hindi ko rin alam eh. Isa lang ang alam kong totoo. Binago ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila ang buhay ko. Marami akong natutunan sa kanya bukod pa sa mga kung anu-anong lessons na tinuturo sa silid-aralan. Ganito ako ngayon dahil sa MANILA SCIENCE HIGH SCHOOL. Maraming Salamat sa'yo! <3<3 Proud akong sabihin na ALUMNA ako ng isa sa mga pinakamagaling at prestihiyosong paaralan hindi lamang sa Maynila kundi sa buong bansa. :)


0 comments:
Post a Comment