APRIL 06, 2010
Ang aming Graduation Ball sa Manila Hotel..
Muntik pa akong ma-late kasi ang tagal nung nag-ayos sa akin sa parlor. 2 1/2 hours!! Grabe. 4:30 na kami nakabalik sa bahay at almost 5 na kami nakaalis. Rawr. Buti na lang, hindi ako na-late ng tuluyan. :)) Ayun, siyempre picture-picture kasama mga tao. Einstein? Nako. Nagphotoshoot na dun sa function room. Siyempre, vanity at its peak kagabi. Hahahaha.
Magaganda at gwapo mga tao. Si Rachel parang magdedebut. Si Cleo parang graveyard shift sa call center at may ubas sa tenga :)) [peace cleo!!]. Si Kuya Mark parang congressman. Basta, gets niyo na yun. XD
Late na nag-umpisa program. Almost 8 na. Pati dinner, na-late rin. Hindi tuloy namin naubos mga pinagkukuha namin. Nalipasan na kami ng gutom pero okay lang, na-enjoy naman namin ni Rachel yung pangalawang serving ng soup na hiningi namin. HAHAHAHA.
Ayun. Dance na. Sa una lang kami nag-enjoy. Paano naman kasi, ang boring ng music. Nakakainis. Yung ibang Einstein tuloy nagpicture na lang. Photoshoot sa salamin sa CR, sa likod ng function room, sa gilid ng function room, sa dance floor. Hahaha.
Anyways, ayun nga. Dahil boring, nung may namigay ng sample ng feminine wash sa amin, pinagtripan na namin yun. Nilagay ni Crisa yun sa baso. WAHAHAHA >:)
First dance ko si Macky :)) May pinag-usapan kami. Hindi na kasi namin napag-usapan yun. :)) Dapat actually, nung isang araw yun (bale yung kuhaan ng cards) kaso busy masyado sa clearance kaya yun, hindi na kami nakapag-usap kaya kagabi na lang. Realizations topic namin tapos ang kanta, Realize. Bongga di ba? Wahahaha. :D
Anyways, matagal-tagal pa bago may nagsayaw sa akin ulit. Si Xtian. Sayang wala kaming pic. Hahaha. Ang bait ni Xtian. Sinayaw niya ako kasi wala raw ako kasayaw. :)) Hahahah
Nag-group dance din kami nina Echo, Rachel, ako at Xtian. :)) Wala lang trip lang namin. Nag-eemo na ako kasi HINDI AKO PINAYAGAN SA OVERNIGHT [nakakadepresss SUPER]. Ayun, hahaha.
Last dance ko pa si Brent. Akalain niyo yun, nagsayaw ng slow dance si Brent. :)) :)) Kaya lang, pag kasayaw mo si Brent, para kang nakipagsayaw sa poste [hahah, peace Brent!]. Ayun. Hahaha.
MATAPOS ANG LAHAT... Siyempre, NAGPHOTOSHOOT KAMI courtesy of Daddy Anzures [nakiki-daddy eh noh?] Well, pinagtitinginan na kami lalo na nung lumipat kami sa likod. :)) Kung anu-anong pose pinag-gagagawa namin. May Santino pose, may demonyo pose, at siyempre talagang humiga kami dun sa carpet. Para lang sa picture. Ganyan kami ka-vain. Yeaaah.
Hindi ko masasasabing perfect ang gabing ito.. PERO I CAN SAY NA NAGING MASAYA AKO. :) [kahit medyo boring siya]


0 comments:
Post a Comment