Wednesday, April 14, 2010

ohmay siomai

Ohmay talaga. Tagal ko na palang hindi nakakagawa ng blog. Amff. Tinatamad kasi ako magtype eh. Meron dapat akong ibang topic na isusulat kaso hindi ko pa siya ma-express masyado kaya baka next time na lang iyon.

MASAYA ako. Yeaah. Kagaya ng aking bagong background music, dating malungkot pero ngayon super happy na. :) Tama yung quote ni Lois eh.. "Happiness is not a destination... It's a journey." Hindi ka magiging masaya unless you decide na maging masaya. TAMA di ba? :)

Napagtanto ko rin namang maraming dahilan para maging masaya. Marami naman talaga. Minsan lang, we tend to ignore those dahil sa tingin natin sobrang dami ng problema natin yet if we count our blessings, mas marami pa iyon kesa sa mga bagay na pinoproblema natin.

Una.. Nagpapasalamat ako kasi muli pa akong nabigyan ng isang araw. Yun pa lang, isang malaking biyaya na. Hindi lahat ng natutulog, nagigising pa ulit. :) Pangalawa.. May nakakain pa kami. Hindi naman kami mayaman eh. Malaking biyaya na yung may nakakain pa kami sa araw-araw. Pangatlo.. Buhay pa ang mga mahal ko sa buhay. Katulad ko, nagising din yung mga taong mahal ko, yung pamilya ko at mga kaibigan ko. Pang-apat.. Mahal ako ng mga taong mahal ko. Mahal ako ng pamilya ko at siyempre ng mga kaibigan ko. Panglima.. May kuryente kami. Kasi kung wala kaming kuryente, hindi gagana itong computer at hindi ko maisusulat ang blog na ito di ba? Pang-anim.. May DSL kami. May pc nga, wala namang internet, eh di wala pa ring entry di ba? Pangpito.. Salamat sa oras at effort na meron ako kaya ko naisusulat ito.

Pwede pa akong umabot hanggang 100 o kahit pa 1000 kung gugustuhin ko pa pero siguro naman gets niyo na yung point. Walang sense ang malungkot nang masyadong matagal dahil lang sa isang problema. Oo, okay lang malungkot, yun naman ang normal na reaksyon eh. Pero wag nating kakalimutang walang binibigay na problema ang Diyos na hindi natin kayang lutasin. :) Minsan, hindi natin inaasahan, bigla na lang darating ang solusyon sa oras na hindi natin inaasahan. Trust me, kagagaling ko lang diyan. Kaya ko nga sinusulat ito eh. :))

So, LET'S BE HAPPY! :) okaaaay? hahahaha

new music

Haha. Dahil mas masaya na ang aking mood at buhay, napagdesisyunang kong palitan na ang napaka-emo kong background music.

NOW PLAYING: Do You Remember - Jay Sean

enjoooy! :)

Friday, April 9, 2010

GOODmorningWORLD

Gandang umaga world. :)

As usual, kahit gaano ako kapuyat kagabi, maaga na naman ako nagising. May diprensya na talaga ang aking biological clock. :))

Anyways, pagkagising ko GUTOM pa rin ako. Kawawa naman ako. :)) Buti na lang masarap agahan namin. Corned beef tsaka kanin. Yeeeah.

Tapos eto na ako ngayon, gumagawa ng blog. Tapos na ako magharvest sa Farmville, may hinihintay sa Cafeworld at text lang ng text. :)

Nagtext kanina si Lois. May naka-set nang date para sa amin swimming/outing/overnight. Sa thursday raw. Hahahaha. Na-excite ako. Sana payagan ako. HAHAHAH >:)

Nanunuod din ako ng Showtime. Nakakaaliw talaga si Vice Ganda tska si Gladys. :)) Banatan sila sa isa't-isa. Hahahaha. Natuwa rin ako sa sinabi ni Vice. Ngayon daw ay PAMBANSANG ARAW NG MGA CUTE. Naalala ko si CUPCAKE [Rachel] ko. LOL

Isa pang nakakaaliw na balita -- patok na patok talaga yung mala-teleserye naming picture. Kung dati title lang ang meron, ngayon may mga roles na kami. LOL :)) Pakana nina Allena, Crisa, Cleo at Glea. hahahaha love it :))

Anyways, mainit ang panahon. Sana magka-snow sa Pilipinas. Hays. xD

bakasyon na :(

Okay. Pangalawang araw pa lang ng bakasyon, NABABAGOT na ako dito sa bahay. Pagkagising kakain tapos pc tapos nood tapos tulog tapos gising tapos kain tapos ligo tapos nood tapos kain tapos pc tapos tulog. HOMAY. Palagay niyo masaya yan? HINDI rin. Grabe. Siguro kung isang araw lang, matitiis ko pa. Anakngsiopao, ilang almost 2 months magiging ganyan?! WTH. :))

Anyways, ngayong araw na ito medyo may kaunting excitement ang buhay ko kasi unli ako. May mga katext ako kaya mas masaya ang buhay ko kumpara nung isang araw na para akong lantang gulay kasi hindi ako nag-agahan at tanghalian. Kakwentuhan ko pa rin sina Rachel at Jemaima. GM lang ako ng GM. Si Glenn, binubully na naman ako. So medyo may katuturan. May bago na rin akong katext. Si Mihaela. :) Nakuha niya number ko dun sa batch directory namin sa yearbook. Haha.

Kanina lang kachat ko si Aldwin. Nasa States pa rin siya. As usual, nang-uusiyoso na naman sa buhay ko. :)) Ka-chat ko rin si Macky. Nainggit ako, galing daw siya sa bakasyon. Sabi ko join siya sa group sa FB na Overheard at Manila Science High School (Narinig ko sa Masci). Kasi nga astig mga post dun. Hahaha.

Sana matuloy na rin yung pinaplanong swimming/outing/overnight ng EINSTEINlabbs ko. Hahaha ang init eh.

Oh siya sige. Yun na lang muna. Next time na lang ulit! :)

Wednesday, April 7, 2010

favorite pic ko nung grad ball

WAA. Eto yung favorite pic ko. Nakakaadik. :)) Cute niya. Pakana ito ni Kuya Mark eh. Ito ang tinatawag na MAGING SINO KA MAN pose. =)) =))

Hangkyut namin. Feeling ko lahat kami may future sa modelling. Nyahaha
Cute ng evil smile ko. Hahaha hindi siya actually evil smile, nagpipigil lang akong tumawa =)) =)) nakakatawa naman kasi yung ginagawa namin eh. XD

In the picture:
(Standing L-R) Brent, Mong, Kim, Allena, Ako, Rachel
(Sitting L-R) Glea, Kuya Mark,Crisa, Cleo

Tuesday, April 6, 2010

gradweyshonbol


APRIL 06, 2010
Ang aming Graduation Ball sa Manila Hotel..

Muntik pa akong ma-late kasi ang tagal nung nag-ayos sa akin sa parlor. 2 1/2 hours!! Grabe. 4:30 na kami nakabalik sa bahay at almost 5 na kami nakaalis. Rawr. Buti na lang, hindi ako na-late ng tuluyan. :)) Ayun, siyempre picture-picture kasama mga tao. Einstein? Nako. Nagphotoshoot na dun sa function room. Siyempre, vanity at its peak kagabi. Hahahaha.

Magaganda at gwapo mga tao. Si Rachel parang magdedebut. Si Cleo parang graveyard shift sa call center at may ubas sa tenga :)) [peace cleo!!]. Si Kuya Mark parang congressman. Basta, gets niyo na yun. XD

Late na nag-umpisa program. Almost 8 na. Pati dinner, na-late rin. Hindi tuloy namin naubos mga pinagkukuha namin. Nalipasan na kami ng gutom pero okay lang, na-enjoy naman namin ni Rachel yung pangalawang serving ng soup na hiningi namin. HAHAHAHA.

Ayun. Dance na. Sa una lang kami nag-enjoy. Paano naman kasi, ang boring ng music. Nakakainis. Yung ibang Einstein tuloy nagpicture na lang. Photoshoot sa salamin sa CR, sa likod ng function room, sa gilid ng function room, sa dance floor. Hahaha.

Anyways, ayun nga. Dahil boring, nung may namigay ng sample ng feminine wash sa amin, pinagtripan na namin yun. Nilagay ni Crisa yun sa baso. WAHAHAHA >:)

First dance ko si Macky :)) May pinag-usapan kami. Hindi na kasi namin napag-usapan yun. :)) Dapat actually, nung isang araw yun (bale yung kuhaan ng cards) kaso busy masyado sa clearance kaya yun, hindi na kami nakapag-usap kaya kagabi na lang. Realizations topic namin tapos ang kanta, Realize. Bongga di ba? Wahahaha. :D

Anyways, matagal-tagal pa bago may nagsayaw sa akin ulit. Si Xtian. Sayang wala kaming pic. Hahaha. Ang bait ni Xtian. Sinayaw niya ako kasi wala raw ako kasayaw. :)) Hahahah

Nag-group dance din kami nina Echo, Rachel, ako at Xtian. :)) Wala lang trip lang namin. Nag-eemo na ako kasi HINDI AKO PINAYAGAN SA OVERNIGHT [nakakadepresss SUPER]. Ayun, hahaha.

Last dance ko pa si Brent. Akalain niyo yun, nagsayaw ng slow dance si Brent. :)) :)) Kaya lang, pag kasayaw mo si Brent, para kang nakipagsayaw sa poste [hahah, peace Brent!]. Ayun. Hahaha.

MATAPOS ANG LAHAT... Siyempre, NAGPHOTOSHOOT KAMI courtesy of Daddy Anzures [nakiki-daddy eh noh?] Well, pinagtitinginan na kami lalo na nung lumipat kami sa likod. :)) Kung anu-anong pose pinag-gagagawa namin. May Santino pose, may demonyo pose, at siyempre talagang humiga kami dun sa carpet. Para lang sa picture. Ganyan kami ka-vain. Yeaaah.

Hindi ko masasasabing perfect ang gabing ito.. PERO I CAN SAY NA NAGING MASAYA AKO. :) [kahit medyo boring siya]

Thursday, April 1, 2010

GRADUATE NA AKO

Huweeee. After four long years, finally GRADUATE na ako ng high school. Hahaha. So happy pero parang hindi pa ako sanay tawagin ang sarili kong alumna ng Manila Science High School.

April 02, 2010 na ngayon. It's been two days since natanggap ko yung diploma kong nagsasaad na I "satisfactorily completed the requirements of the special science curriculum". Sarap ng feeling kapag binabasa ko yun. Para bang ang laki na ng achievement ko dahil lang dun sa simpleng papel na yun. Hay.

Hanggang sa ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nung Wednesday na yung huli kong suot ng aking Blue and White uniform. Parang kailan lang, naninibago pa ako dun sa napakalaking collar ng uniform ko. Ngayon, hindi ko na siya muli pang maisusuot. Malungkot mang isipin, kailangan ko na siyang itabi.

Masaya kung tutuusin. Tapos na ang mga gawaing para bang walang hanggan. Nandiyan yung mga linear at quadratic equations at mga limits ng functions na hindi ko naman alam ang gamit sa totoong buhay. Pati yung mga naming ng organic compounds. Pagcalculate ng wave speed at pagbabago ng frequency kapag may Doppler Effect. Paghahanap ng probability na ganitong kulay ng marble ang mabubunot mo at ang madramang kwento ng buhay nina Simoun at Basilio. At iba pang mga lessons na hindi ko pa rin naiintindihan hanggang ngayon. Seryoso ako. Marami pa akong lessons ngayong hindi naiintindihan. Haysus. Well, ganyan naman talaga ang buhay. Masaya naman talaga, makakapagpahinga na ako sa mga ganyang lessons pero ang nakalulungkot lang, mamimiss ko yung mga teachers na pilit pinaiintindi sa amin yang mga nakaka-nosebleed na lessons na yan. :(

Mamimiss ko rin mga kaklase ko. Mga taong kahit minsan binubwisit ako to the maximum level. Kahit ganun pa man, mahal ko yang mga yan. IV-EINSTEIN. Akala ng marami GC kami. Well, partly true pero GC lang naman kami kapag kailangan eh. Kung makikilala lang naman ng ibang tao ang Einstein, makikita nilang hindi lang kami puro aral. Marunong din naman kami magsaya. Kahit pa sobrang magkakaiba ang mga personalidad namin at nagkakaroon ng mga kaguluhan dahil sa mga pagkakaibang yun, wala namang problemang hindi namin naaayos. Ika nga namin... ONE UNIT, ONE EINSTEIN. :)

Sa ngayon, hindi ko pa rin alam kung saan ako papunta. Isang malaking palaisipan pa rin sa akin kung anong mangyayari sa akin sa college. Kahit nga kung saan ako mag-aaral, hindi ko rin alam eh. Isa lang ang alam kong totoo. Binago ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila ang buhay ko. Marami akong natutunan sa kanya bukod pa sa mga kung anu-anong lessons na tinuturo sa silid-aralan. Ganito ako ngayon dahil sa MANILA SCIENCE HIGH SCHOOL. Maraming Salamat sa'yo! <3<3 Proud akong sabihin na ALUMNA ako ng isa sa mga pinakamagaling at prestihiyosong paaralan hindi lamang sa Maynila kundi sa buong bansa. :)